~(TINA MADRIGAL POV) "Where's Siv?" tanong Ko kay Fior. Kanina lang ay kasama pa namin ito pero nang mapalaban kami ni Fior ay bigla na lang itong nawala. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya lalo pa at hindi siya marunong makipaglaban o gumamit man lang ng baril. Mabilis siyang mapapatumba ng mga kalaban at baka hindi lang iyon ang gawin ng mga ito sa kanya. I was already thinking twice na isama siya kanina dahil delikado para sa kanya pero alam kong mas matigas pa sa ulo ko ang ulo nito. Alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para sumunod lalo pa at si Ms. Dela Fuente ang nasa kapahamakan. Kahit alam niyan g hindi siya malakas para iligtas ito, parati niyang gustong gumawa ng paraan para sumubok. I was really afraid that he wouldn't be able to defend himself. "Fior... you have

