~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) (SID) Pagsapit ng gabi, naisipan ko na puntahan si Ayen sa hotel na tinutuluyan niya. Ilang beses akong kumatok sa pintuan ng silid niya pero hindi siya sumasagot. Mukhang hindi pa siya nakakauwi o 'di kaya ay tulog na siya. Napa-busangot na lang ako at umalis na rin. Gusto ko pa naman sana siyang makausap agad tungkol sa nangyari kanina. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng totoo para hindi na siya magalit sa akin o kaya ay kay Tina. Naka-baba na ako sa lobby nang makita ko si Ayen na papasok sa pintuan. Hindi agad ako naka-galaw sa puwesto ko dahil nakita ko ang lalaking naka-sunod sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang mukha nito... Hinding hindi ako pwedeng magkamali. Makita ko pa lang ito... nanginginig na ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay naniniga

