~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) (SID) Tumayo ako sa gilid ng couch habang hinihintay ko si Ayen Dela Fuente na lumabas mula sa silid niya. May pupuntahan daw itong isang event sabi sa akin ni Tina. Maya-maya lang ay nakita ko nang bumukas ang pinto ng silid nito. Gusto ko sanang magreklamo sa isip ko sa sobrang tagal niyang lumabas doon pero pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ito. Napatingin ako sa mataas na suot nitong sapatos na kumikinang pa pataas sa makinis at mahabang mga hita nito, pataas pa sa maliit na baywang nito, sa dibdib nitong kita ang mga kabiyak dahil sa kasuotan niya, hanggang sa umangat pa ang tingin ko sa mala-anghel na mukhang iyon. Kusang umawang ang mga labi ko. Sunod-sunod akong napalunok habang nakatingin ako sa mapupulang mga labi nito