~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) Agad kong hinawakan ang magkabilang braso ni Fior nang maihatid namin si Ayen sa Penthouse niya. "Bakit mukhang luluwa na 'yang mga mata mo?" tanong nito. "N-Nakakulong sina Ms. Lexine at si Tina." "Huh?" kunot noong tanong nito. "Kinulong sila ni Ayen." "Psh, pinagti-tripan mo na naman ba ako, huh?" "Hays! Kailangan natin silang tulungan!" "A-Ano ba kasing nangyari? Ano bang meron sa salon na 'yon?" Hinila ko ang kamay niya papunta sa isang sulok. "Sa loob no'n maraming mga tao tapos maraming mga device, mga computer. Doon nagta-trabaho ang protection team ni Ayen!" "Protection team?" kunot noon tanong niya. "Tss, bakit ba ang dami mong tanong?" "Naguguluhan lang ako! Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Bakit sila kinulong ni Ms. Dela Fuente?"

