~(SIV SITHER VILLAVERDE) (SID) Nagising ako sa isang lugar kung saan puro puti ang nakikita ko. Nakahiga rin ako sa ibabaw ng kama. Ni hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na iyon. Hindi ko na alam kung anong nangyari kagabi. Ang alam ko lang ay unti-unting pumikit ang mga mata ko habang nagmamaneho si Ayen. Naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo at katawan ko lalo na ang balikat ko. Naalala ko na may tama nga pala ako doon kagabi. Akala ko ay mamatay na ako kagabi. Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa gilid ng kama. Nakangiti ito sa akin. Muntik ko nang isiping patay na talaga ako dahil mukha itong anghel. "You saved Ms. Dela Fuente's life again." Tumingin ako sa paligid nang maalala ko ang babaeng iyon. Binalik ko rin ang tingin ko kay Tina. "A-Anong nangyari sa kanya?"