Isang brown envelope ang iniabot ni Lance kay Dorren. "Heto na ang resulta ng pag-iimbestiga kay Rem Heiler, Dorren." wika ni Lance. Nanginginig ang kamay ni Dorren na binuksan ang envelope. Nakita niya ang ilang litrato doon ni Rem na nasa Amerika. Binasa niya ang nakasulat sa papel. Profile pala iyon ni Rem. "Sinasabi diyan na nang gabing masaksak si Rem ay si George Heiler ang nakakita sa kanya at dinala siya sa hospital sa halip na ang mga pulis ang magdala sa kanya. Iisa lamang ang anak ni Mr. Heiler at isa itong doktor ngayon gaya ng asawa niya. Matagal ng gustong magkaroon ng anak na lalaki si Mr. Heiler subalit hindi na makaanak ang asawa niya dahil operado na ito sa matris." "Sakto namang dumating si Rem. Ginamit niya ang kanyang koneksyon para madala ni Rem ang apelyido niy