Kinabukasan ay balik eskwela na naman sina Dorren at Rem. Sa araw na iyon ay hindi na nagpahatid pa si Dorren. Nagtaxi na lang siya papuntang university, bagay na hindi naman ginagawa ng dalaga kaya naman ay kung ano-ano na ang pumasok sa isipan ni Rem. Naninibagi pa rin ang binata sa inaasal ng kanyang asawa. Pansin kasi ni Rem na palagi na lang itong nakatitig sa kanya magmula nang maka-uwi siya. Gustuhin man niyang magtanong ay hindi na lang niya ginawa at baka kung ano pa ang isipin ni Dorren. Ayaw na niya ng gulo kaya hinayaan na lang ni Rem ang asawa sa gusto niyang gawin. At isa pa ay nasisiyahan si Rem at talagang nagdiriwang ang kanyang puso kapag nakapukos sa kanya ang mga mata ni Dorren. Nang mag break time ay agad na nagtungo sa canteen sina Dorren at ang kanyang mga kaibig