"H-hindi ka pa n-natutulog?"nauutal na sabi Rem. Gulat na gulat na tumayo ang binata dahil dumukwang sa may paahan niya ang asawa at saka tinanggal pa nito ang suot niyang sapatos. Naninibago siya sa ikinikilos ng dalaga kaya nagtataka talaga siya. "H-hindi pa. Kumain ka na ba?" Sagot ni Dorren. Tumayo na ang dalaga at pumunta sa kanyang harapan. Napalunok ng sariling laway si Rem. "K-kumain na kami ng mga crew kanina." sagot niya habang nakatitig sa nakayukong dalaga. "Ah, o-okay. Sige matulog ka na."anito. Kapagkuwan ay tahimik na lumabas na ng kanyang silid ang dalaga. Mas lalong hindi nakatulog si Rem dahil sa ginawi ng dalaga. Nalilito siya sa mga ikinilos nito. Hindi kaya nakokonsensya ang kanyang asawa sa nagawa kanina kaya ganito ang ikinikilos nito ngayon? Naibaon na lang