Naluluha ngayong sinilip ni Rem ang kanyang mag-ina na nag-kukwentuhan. Nandito siya ngayon sa labas ng private room na inookupa ng mag-ina. Nakasilip siya mula sa siwang ng pinto. Ngali-ngali niyang puntahan ang mga ito subalit nakahawak sa kanyang mga braso si Venice at ang anyo ng mukha nito ay nagsasabing huwag muna. "T-tayo na, Rem."untag sa kanya ni Venice na pilit na siyang hinihila nito. "Okay, tayo na."wika niya at naglakad na palayo. "Who's his name again?"tanong ni Rem sa dalaga. Narito sila ngayon sa mini office ni Venice sa ospital at magkaharap silang nakaupo sa table ng dalaga. May kinuhang folder si Venice sabay abot kay Rem. "His name is Riel Althea Balagtas. Iyan ang profile ng bata saka history of his medication sa ospital na 'to. Basahin mo at nang iyong malaman