Tila ba gusto na lang paliparin ni Rem ang taxi na sinasakyan para mabilis na makarating sa bar na sinasabi ni Trixie. "Dorren, saan ka ba pupunta? Dito ka lang." pigil sa kanya ni Hana. "Parating na si Rem para sunduin ka." "S-si Rem...A-ang a-asawa ko. Hindi totoo 'yan. H-huwag niyo nga akong pinagloloko."nakangisi niyang sabi sa tatlo habang pasuray-suray na sa pagtayo. "T-tinawagan ko nga kaya pupunta siya dito para sunduin ka!"malakas na sabi ni Trixie. "S-sige punta lang ako ng c-cr." paalam ng dalaga. "T-teka alam mo ba kung paano pumunta doon?" tanong ni Hana. "Oo nga, alam ko," anitong muling ngumisi at saka lumakad na. Nagpunta si Dorrren sa cr para maghilamos, ayaw man niyang maniwala sa tatlo na susunduin nga siya ni Rem ay gusto pa rin niyang maging presentable an