"Anak, alam kong nagsasalita ka na kaya't sagutin mo si Papa ng maayos ha?" ani Khim Soong sa anak. "Opo, Papa." Tumango-tango pa ito. Madilim na ang paligid dahil may kalaliman na ang gabi. Ngunit para sa kanilang mga hindi ordinaryong tao ay nakakakita pa rin sila ng maayos. Dahil sinadya nilang hintaying nasa kalaliman na nang pamamahinga ang mga tao. Gusto nilang subukan ang kakayahan ng anak nila. Dahil ito rin ang magiging gabay at susi nila sa lahat lalong-lalo na ang pagbawi sa Edessa. Nandoon din ang susi upang makatawid sila sa pamilyang pinagmulan niya. "Nakikita mo ba ang kahoy na iyan? Kaya mo bang akyatin?" Alanganin man pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. "Opo, Papa. Ngayon na po ba?" ganti nitong tanong. Kaya naman si Churai Dara ang sumagot. "Oo, anak. G