"Matagal-tagal na rin simula noong dumating ang dalawa sa ating kaharian. Ano ang masasabi ninyo? Oras na ba upang pagbigyan natin sila ng pagkakataong maging bahagi ng ating kaharian?" tanong ni King Simon. "Kung ano ang magiging desisyon mo, Mahal na Hari ay susunod kami. Dahil alam naming kung may higit mang nakakaalam sa ikabubuti ng lahat ay walang iba kundi ikaw," ani ng isang ministro. "Tama ang ministro ng peace and order, Mahal na Hari. Kung nais mo silang bigyan ng trabaho dito sa loob ng palasyo ay maaari rin. Ngunit upang maiwasan ang usap-usapan ay nais kong isuhestiyon na sasailalim sila sa pagsusulit. Tatlong araw mula ngayon ay magaganap ang taunang pagsusulit para sa mga nagnanais pumasok bilang warrior at junior officers." Malugod na pagsang-ayon ng minister of war. Sa