"Magandang araw sa iyo, Mahal na Hari." Magalang na pagbati ng mag-asawa. "Magandang araw din sa inyo, Khim Soong at Churai Dara. Maupo kayo," tugon ni King Simon bago bumaling sa apong si Baby Sakda Phassakorn. "Hello, Baby Sakda Phassakorn. Kumusta ka? Aba'y mukhang iniihipan ka yata ng Mama at Papa mo ah," magiliw niyang sabi. Kaso humagikhik lamang ito. Sabagay hindi na iyon nakapagtataka dahil bilang na bilang pa ang salita nito. Mahigit isang taon na rin ito at mabilis na maglakad ngunit dahil sa laging ang mga magulang ang kasa-kasama ay bihira lamang ang salita. Pero kahit bihira itong magsalita ay delikado naman kung mayroong panganib. "Mayroon ba tayong importanteng pag-uusapan? Aba'y himala kasing napadalaw kayo na wala akong tawag. Masaya ako dahil kusa kayong pumarito kaso