Rusa Dynasty (Former Edessa) Conversion Hall "Ipinatawag ko ang meeting na ito dahil hindi naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat. May mensahero galing sa Kingdom Of The North." Panimula ni King Sulda at pansamantalang iginala ang paningin upang arukin ang mga senior and junior officials na nandoon. Ngunit dahil tahimik sila at halatang naghihintay sa pagpapatuloy niya ay nagsalita siyang muli. "Nasa visitors room pa ang mensahero at naghihintay ng aking desisyon. Ngunit ang bagay na ito ay hindi ko maaaring desisyunang mag-isa. Gusto ko ring pakinggan ang mga kaisipan ninyo. Dahil ang sulat na ito ay nanggaling sa mismong reyna ng Kingdom Of The North." Itinaas niya ang hawak-hawak na nakatuping papel o ang sulat ng reyna sa karatig-bansa. "Kung papahintulutan mo, mahal na har