CHAPTER 41 "SWEETEST SURPRISE"

1682 Words

IYON ang araw ng schedule ni Daniel para sa ibang doktor at ospital kung saan ito kukuha ng second opinion kaya hindi na muna ito pinapasok ni Marielle sa eskwelahan. Iyon din ang dahilan kaya mag-isa siyang pumasok at nag-duty sa library. Nanatiling tahimik si Ara, hindi dahil walang kumakausap sa kaniya kundi dahil wala si Daniel at labis siyang nangungulila sa kaniyang nobyo. "Ara, sabay ka sa amin ni Jenny mamayang lunch?" si Jason iyon nang lapitan siya nito habang pilit niyang inaabala ang sarili sa maraming titles ng libro na ine-encode niya sa harapan ng computer. Tiningnan niya si Jason saka pilit na nginitian. "Salamat pero okay lang ako," sagot niya. Sandali muna siyang pinakatitigan ng kaibigan niya bago ito tumango-tango at nagsalita. "Sige ikaw ang bahala," anitong alang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD