CHAPTER 29 "ARE YOU OKAY?"

1276 Words

MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Ara nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng mainit na kamay ni Daniel sa kaniyang kaliwang hita na pumailalim sa suot niyang palda. Dahil doon ay lalong nadagdagan ang tindi ng kuryenteng ibinibigay sa kaniya ng maiinit nitong mga labi. Hindi nagtagal at iniwan ng binata ang paghaplos sa kaniyang hita. Sa halip ay naging abala naman ang mga kamay nito sa pagkalas sa butones ng suot niyang blusa habang nanatiling angkin nito ang kaniyang mga labi. Pakiramdam ni Ara nang mga sandaling iyon ay nalulunod siya. At nilulunod siya ni Daniel dahil sa matinding init na dala ng mga labi at haplos nito. Sandali siyang nakaramdam ng panlalamig nang maramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kaniyang balat nang mapagtagumpaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD