Nikay's POV "Mom, wait!" sigaw ko kila Mommy at Daddy na nagmamadaling pumasok ng kanilang sasakyan. Hindi ko alam na naka-confine pala sa Hospital ang dalawa kong kuya! Hindi nila sinabi sa akin! Almost 2 weeks na silang naroroon sa Hospital! Kung hindi pa ako naligaw sa pinto ng room nila ay hindi ko maririnig ang kanilang pinag-uusapan. Kasalanan ko rin naman siguro dahil na-busy rin ako sa pag-aalaga sa boyfriend ko na ngayon ay maayos naman na ang kalagayan. "Sasama po ako," sabi ko habang nakadungaw sa salamin ng pinto ng nakasarado na nilang kotse. Hanggang kailan ba nila itatago sa akin ang totoo?! Napahinga ng malalim si Daddy at saka binuksan ang pinto ng kotse. Mabilis akong pumasok sa loob at nagbiyahe na kami patungong Hospital. *** Pagdating namin sa Hospital ay mga D