"I'll raise 5,000 us dollar," sabi ng isang naka-mask at may katabaang lalaki na may hawak ng number 10. "5,000 usd?" bulong ko kay boyfie. "Masyado yatang mahal." Kinuha ko ang aking phone at ni-google ang 5,000 usd into Philippine peso bill. "241,177.50 Philippine peso?" Nanlaki ang aking mga mata habang nakatanga sa aking phone. "Boyfie ang mahal," bulong ko ulit kay boyfie na nananatiling tahimik sa aking tabi at seryosong nanonood sa mga nagbi-bidding. Sa pagkakaalam ko kasi ay paintings lang ito ng mga bata kaya nagugulat ako sa presyong pinaglalabanan nila. Kanina pa kasi nag-start ang bidding at nagsimula ito sa 500 us dollar hanggang sa tumaas ng tumaas. "5,000 us dollar for number 10," sagot ng auctioner na babae. "10,000 us dollar." Nanlaki na naman ang aking mga mata nan