Laglag ang panga ko sa isinagot sa akin ni Liam. Nanikip ang aking dibdib at nanlabo ang aking paningin. Ayaw niya ako pakasalan? Ayaw niya akong makasama habambuhay? Napahikbi na ako. Tangka na akong tatalikod nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. "Because you don't have to ask me anymore." Napaangat ang aking mukha sa kanya at tinitigan siya. "I'll marry you...whenever and wherever you want." Mas lalo na akong napahikbi hanggang sa tuluyan ng tumulo ang aking mga luha sa pisngi. Pinunasan niya ito at hinalikan ako ng matagal sa aking mga labi. Habang hinahalikan niya ako ay isinuot ko naman sa kanyang braso ang bracelet. "Pakasalan mo na rin kaya ako, babe. Nakakainggit naman," dinig kong sabi ni Yuan. "Sige." Biglang huminto ang sasakyan. "Awww!!!" daing namin nang sabay-sabay