CHAPTER 35 Afraid

1314 Words

Nikay's POV Nagising ako sa mabigat na bagay na tila nakadagan sa aking tiyan. Nakikiliti ako sa mahinang hangin na dumadampi sa aking leeg. At pakiramdam ko ay ang sikip-sikip dito sa kinahihigaan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napangiti ako nang mabungaran ko guwapong mukha ni boyfie na nasa mahimbing pa ring pagtulog. Nakayakap siya sa akin at nakasiksik ang kanyang mukha sa aking leeg. "Boyfie," bulong ko sa kanya ngunit ni kaunti ay hindi man lang siya gumalaw. Masyadong malalim ang kanyang paghinga. Sumulyap ako sa orasan na nakapatong sa table na nasa gilid ng kama at nakita kong seven oclock na pala ng umaga at maliwanag na rin sa balcony sa labas ng aking silid. Hindi ko na namalayan kung anong oras na kami nakatulog kagabi pero napakasarap sa pakiramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD