Pareho kaming balot ng bathrobe na lumabas ng banyo matapos naming maligo ng sabay. So, paano naman ang aming pamalit nito? Kahit ano ay wala kaming dala! "Boyfie, wala naman tayong damit eh," sabi ko habang pinatutuyo ko ang kanyang buhok gamit ang tuyong towel. Nakaupo siya sa gilid ng kama at ako naman ay nakatayo sa kaniyang harapan. Ang ulo ko naman ay nakabalot na rin ng towel. Paano naman kami makalalabas ng bathrobe lang ang suot no? "Let's just stay here," sagot niya habang pinaglalaruan ng kaniyang mga kamay ang tali ng aking robe. Hanggang sa ito ay matanggal sa pagkakabuhol at bumuka. Wala pa naman akong suot na kahit na ano sa loob. "Nagugutom na nga ako, boyfie eh," nakanguso kong sabi habang inaabot ang nakita kong suklay sa ibabaw ng sidetable at sinuklayan siya. Siy