CHAPTER 3 DUCATI

1208 Words
"Beshy, si Howard dadaan," bulong sa aking tainga ni Colleen na nasa kanan kong bahagi. Kanina ko pa napapansin ang pagtanaw niya sa pinto. Malapit ko na ngang isipin na may gusto siya kay Howard eh. Pasimple din naman akong sumulyap sa bintana at segundo lang ay dumaan nga si Howard habang nakatitig sa akin sabay kindat. OM-! Kikiligin na sana ako nang may biglang humarang sa bintana. B'wisit naman oh! "Liam!" sigaw ko nang makilala ko na ang taong gumawa niyon. Pero imbis na matakot siya sa galit kong tinig ay hindi niya ako pinansin. Nanatali lang siyang nakatayo sa tapat ng bintana habang kunwari ay nagpupunas ng salamin gamit lang ang tinupi-tuping papel. "Liam, didn't you hear me?! Umalis ka nga d'yan!" Lumingon naman siya sa akin ng may pagtatanong. "Ano bang ginagawa mo d'yan?! Umalis ka dyan!" "Baka mag-aapply janitor besh," natatawang sabi naman ng timang kong bestfriend. Narinig ito ng iba kaya nagtawanan din sila. Hindi ko sila pinansin. Kaagad akong tumayo at nilapitan si Liam na ayaw umalis sa tabi ng bintana. Baka nakaalis na si Howard! "Lia-" naputol ang aking sasabihin nang makita kong naririto pa pala si Howard at nakikipagsukatan ng titig kay Liam. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Halos mangawit ang aking leeg sa pagtingala dahil sa halos magpantay lang naman sila ng taas! Maya-maya ay bigla na lang ngumisi si Howard kay Liam. Si Liam naman ay walang naging reaction. "Can i request?" Lumingon siya sa akin at ngayon ay napalitan na ng napakagandang ngiti ang kanina lang ay mala-demonyo niyang ngisi. "A-ano 'yon?" Hindi ko napigilan ang mautal at mukhang ikinatuwa iyon ni Howard. "Can you be my date for the upcoming acquaintance party?" Napanganga ako at napatitig sa kanya ng matagal. Bakit naman naisip pa niyang yayain akong maging date niya sa acquaintance party, eh 'di ba wala na kami? Mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti nang hindi kaagad ako nakasagot. "Silence means yes. See you at the party baby." Natulala na lang ako hanggang sa tumalikod na siya at mawala sa aking paningin. "Beshy, ano pang ginagawa mo d'yan? And'yan na si Prof." Doon lang ako natauhan. Napalingon ako sa aking tabi pero wala na doon si Liam at prente na siyang nakaupo sa kanyang upuan habang nakayuko ang kanyang ulo sa harapan ng mga libro niyang nagpatong-patong sa ibabaw ng kanyang desk. Pero omg! Niyaya ako ni Howard na maging date niya! Anong ibig sabihin n'yon?! Makikipagbalikan na ba siya?! Kaya ang nangyari ay buong klase akong tulala. *** "Hoy besh, anong sinabi ni Howard?" Tsismosa talaga 'tong bestfriend ko eh. Naririto na kami sa corridor at hinihintay ko na lang si Liam na mahinhin na nasa loob pa ng classroom at nag-aayos pa ng kanyang mga gamit. "Owemji! Beshy! Niyaya niya 'ko ng date sa party natin next week! Anong gagawin ko?! Anong gagawin k-aray!" Kilig na kilig ako habang itinatapik-tapik ko ang dalawa kong palad sa magkabila kong pisngi na tila nananaginip ako pero bigla akong dinagukan ng napakabait kong bestfriend! Nasubsob ako sa dibdib ng taong nasa aking harapan. Sh*t! Ang tigas! Kaagad niya naman akong nahawakan sa magkabila kong braso at inalalayang makatayo ng maayos. Tumingala ako at walang kabuhay-buhay na mukha ni Liam ang sumalubong sa akin. Pero bakit ang pogi pa rin? Unfair. Bumaling ako sa bestfriend kong walang tigil sa katatawa sa aking likuran pero huminto din kaagad nang samaan ko siya ng tingin. "Bakit ka ba nandadagok?! Upakan kaya kita d'yan!" sigaw ko sa kanya at kaagad naman siyang sumeryoso. "Paano namang hindi? Baka nakakalimutan mong break na kayo, duh! Tapos kinikilig ka pa rin d'yan?! At may boyfriend ka na, remember?" Napasimangot naman ako. Lumingon siya sa aking likuran kaya napalingon din ako doon at napanganga ako nang matanaw ko si Liam na bumababa na ng hagdan habang nakayuko ang kanyang ulo. Aba, iniwan ako! "Liam!" Agad ko siyang hinabol at hindi na pinansin pa si Colleen na sumisigaw sa aking likuran. Nasa kalagitnaan na ng baitang nang abutan ko si Liam. Kaagad ko siyang pinigilan sa braso. Huminto naman siya at tiningnan ang braso niyang hawak ko. "Bakit iniwan mo ko?! Pagkatapos kitang hintayin?!" Hindi naman siya umimik at muli lang tumungo. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinag-intertwine ang aming mga daliri at saka kami nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. "Hatid mo 'ko sa bahay, ha. Wala 'yong driver namin ngayon eh, may sakit daw," nakasimangot kong sabi kay Liam pero as usual, wala akong natanggap na sagot. Hayst! Parang bato ang kausap ko. "A'right, talk to the hand." I rolled my eyes habang nakaharap sa aking mukha ang aking palad. Pero hindi pa rin siya umimik. *** Pagdating namin sa malawak na parking lot ay kaagad akong luminga sa paligid na napupuno ng mga mamahaling sasakyan at hinanap ang kanyang kotse. Pero nagtaka ako nang magpatuloy kami sa paglalakad patungo sa hilera ng mga motorsiklo. Huh? Don't tell me, wala siyang kotse?! Napanganga ako nang lumapit kami sa isang malaking motorsiklo. Big bike 'ata tawag dito eh. Basta 'yong jumbo at ducati ang tatak. Wala akong alam sa mga sasakyan eh. Two weeks ko pa lang siyang boyfriend at ito pa lang ang unang beses na magpapahatid ako sa kanya kaya hindi ko alam na motorsiklo pala ang ginagamit niya. "Sa'yo 'to?" Tumango naman siya. Binuksan niya ang kanyang bag at may inilabas na denim jacket. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang isuot niya ito sa akin. Pagkatapos ay kinuha naman niya ang helmet na nakasabit sa may handling bar ng motor at isinuot niya din sa akin. Napatitig na lang ako sa kanya habang inila-lock niya sa ilalim ng aking baba ang belt nito. "Excuse me?" Napalingon naman ako sa aking likuran nang makarinig ako ng 'di pamilyar na tinig. At natigilan ako nang mabungaran ko 'yong creepy na babae! Napataas ang isa kong kilay. Naiinis ako sa kanya! "P'wede bang makiraan? Nakaharang ka kasi eh." Ngumisi siya sa akin. Aba't? Aalma sana ako pero huwag na lang baka masabunutan ko lang siya eh. Lumapit siya sa motorsiklo na nasa tabi ng kay Liam. Si Liam naman ay abala sa pagbuhay ng makina at tila walang pakialam sa paligid. Napairap na lang ako at mabilis na lumapit kay Liam. "Alalayan mo 'ko," mahinang sabi ko sa kanya habang nakasimangot pero tiningnan niya lang ako. Haayst! "Sasakay ako, alalayan mo 'ko!" pabulong kong sabi sa kanya ng may diin. Kaagad naman siyang bumaba ng motorsiklo at basta na lang akong binuhat at isinakay sa may hulihan ng sasakyan. Nang makasakay naman siya ay kaagad akong yumakap sa kanyang likuran habang tirik ang matang nakatitig sa babae. Hmp! Mas lalo akong nainis dahil tila nag-eenjoy pa ang babaeng ito sa panonood sa eksena namin ng boyfie ko! Siguro ay iniwan ito ng boyfriend niya kaya mukha siyang bitter. Hmp! *** "Kilala mo ba 'yon?" tanong ko kay Liam nang kami ay makalabas na ng compound. "S-sino?" walang buhay niyang sagot. "Eh di 'yong babae kanina sa parking lot! Hindi mo ba nakita?!" Hindi ko mapigilan ang sumigaw. Nakakainis talaga! "Ikaw lang naman ang nakita ko doon." Huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD