FIVE AND HALF YEARS AGO Liam's POV "Sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo," saad ni Colton pagpasok ko pa lang sa pinto ng safehouse. Palagi lang siyang nakaupo sa sofa habang may dalawang babae sa magkabila niyang tabi at minamasahe ang lahat ng parte ng kanyang katawan habang siya ay humihithit ng sigarilyo. Minsan ay naaabutan ko rin silang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot kasama ng kanyang mga tauhan. Ilang beses na rin niya akong inalok ngunit mahigpit ko itong tinanggihan. Ano pa ba ang ipinagkaiba ng drogang ginagamit nila at ng drogang isinasaksak sa akin kada tatlong araw. "Saan?" tanong ko habang umuupo sa katapat niyang sofa. "Sa kaibigan ko. Nagpapahanap ng bodyguard ang kanyang Tito para sa anak niya. Ang gusto niya ay 'yong magaling kaya ikaw ang naisip ko." "B