Lumiwanag ang buong paligid at bumungad sa aming harapan ang maayos, malinis at halos walang nagalaw sa mga gamit ni boyfie na naririto sa loob ng kaniyang condo unit. Yes, narito na nga kami sa dati niyang unit at ngayon ay pumapasok na ang lahat ng alaala namin dito noong siya ay nakakaalala pa. "It seems like nothing has changed here, boyfie. Ganito pa rin ang ayos. Dito tayo lagi sa living room mo tumatambay habang nagma-marathon. Titig na titig ka nga lagi sa t.v eh. Halos 'di mo na 'ko pinapansin," sabi ko sa kaniya habang umuupo ako sa malambot na sofa. Ngumiti naman siya habang lumilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kaniyang unit. "Doon 'yong kitchen mo." Itinuro ko sa kanya ang kaliwang bahagi. "And here's your room. Tingnan natin, boyfie." Tumango naman siya kaya mabi