Nagising akong wala na si boyfie sa aking tabi. Mabigat ang katawan kong bumangon at pakiramdam ko ay tatrangkasuhin yata ako. Nagsuot ako ng robe at lumabas ng aking silid. Kaagad akong nagtungo sa kitchen. Napalingon ako sa pinto ng silid ni Colleen at nakita kong malinis na doon. Wala na ang nagkalat niyang mga damit at underwear. "Oh gising ka na pala. Maaga pa ah. Coffee?" alok ni Colleen nang abutan ko siya sa loob ng kusina. Tumango naman ako. Mukhang maaliwalas ang mood niya ngayon ah. Ilang beses kaya siyang nadiligan kagabi ni Yuan? Hmn.. Kaagad naman siyang tumayo at pinagtimpla ako ng kape. "Maaga pa ba? Anong oras na ba? Eherm." Napahawak ako sa aking lalamunan nang mapansin kong namamalat pala ako. Nangunot ang aking noo sa sinabi ni Colleen. Napalingon ako sa wall cloc