KINAUMAGAHAN... Late na naman akong nagising. Itong mga nakaraang araw ay hindi na ako nagigising ng maaga. Binalingan ko ang tabi ko si Damon ngunit wala na ito. Sinulyapan ko ang orasan habang kinukusot ang aking mga mata na inaantok pa. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng bumabagabag sa isip ko. Ang dami kong katanungan na hindi ko kayang sagutin mag-isa. Tumayo na lamang ako sa kama. Ngunit sa pagtayo ko ay bigla akong nahilo. Sapo ang noo na nagtungo sa banyo. Katulad ng mga nakaraang araw, wala na naman akong ginawa kundi tumakbo sa banyo para ilabas ang sama ng aking sikmura. Ganito ba talaga kapag buntis? Halos araw-araw akong ganito tuwing paggising ko sa umaga. Hindi naman na ako nagkakaganito kapag hapon o gabi. Sa umaga lang ako nagkakaganito. Napahinto na laman