Star's POV "Apo, napakalaki ng nagbago sa bahay natin." napahanga si Lola sa nakita niyang pagbabago ng bahay namin. Kalalabas niya lang ng kotse. Tinitingala niya ngayon ang bahay namin. Kahit sino ay maninibago. Dahil kahit ako namangha rin. Hindi ko pa din pinapansin si Damon. Wala rin naman itong imik dahil tuwing nagsasalita siya ay sinasamaan ko siya ng tingin. Lumapit naman siya kay Lola para alalayan ito. "Ako na." presinta niya. Hinayaan ko na lamang ito ngunit hindi maalis sa akin ang irapan ito. Hindi pa din kasi maalis sa isip ko kung paano niya tingnan ang mga babae sa balon at binobola pa. Kung hindi ba naman oragon. "Salamat." narinig ko naman nagpasalamat si Lola sa oragon kong asawa. Ngumiti lamang ito tsaka bumaling sakin. Anong tinitingin-tingin mo? Inirapan k