Starlet's POV "Mukhang panalo ka ngayon anak." nakipag-high five sa akin si mommy. Nandito kami ngayon sa loob ng patient room sa isang private hospital. Isinugod kaagad ako dito ni Damon. Ganoon siya katakot na mawala ang baby niya. Ganoon siya kasabik magkaroon ng anak. Kung alam lang niya, ang batang ito ay hindi naman talaga sa kaniya. Anak lang naman ito ni Rome. "Hindi dapat malalaman ni Damon na anak 'yan ng EX mo." Kaagad kong tinakpan ang bibig ni mommy. Baka marinig siya ni Damon. Baka bigla na lang itong pumasok at aksidenteng marinig sinabi niya. "Mom, I don't want to talk about that asshole anymore. Pagkatapos niyang mambabae hinding-hindi niya makikilala ang anak niya. Never, mom. Palalakihin ko ang batang ito na si Damon ang kinikilalang ama." "Dapat lang, wala kang m