Star's POV "Aghh!" impit ko habang nakahawak sa puson ko. Ang sakit ng puwet kong bumagsak sa sahig ng bath tub. "Stop acting like that." Napatingin ako kay Damon nang dahil sa sinabi niya. Wala man lang siyang pakialam ng bumagsak ako. Siguro nga mas gusto pa niyang napuruhan ako para mawala na ng tuluyan ang batang nasa sinapupunan ko. 'Yon naman talaga ang gusto niya. Pinilit kong tumayo para umalis mula sa bath tub. "Damon, baka may balak kang lumabas ng banyo. Kung ayaw mo akong tulungan puwede bang lumabas ka muna?" Nakahawak pa rin ako hanggang ngayon sa balakang ko. Ang sakit kasi dagdag pa ang aking pang-upo. "Hindi ka kasi nag-iingat." sabi niya. Sa halip na talikuran ako ay lumapit pa lalo ito sa akin. Hindi ko inaasahang bubuhatin niya ako. "D-Damon, ibaba mo 'ko!"