"Labahan mo na lang. Here's my calling card, just call me when you're ready to give it back to me." ibinigay niya nga sa akin ang kaniyang suit at may kasama pa na calling card. Napanganga na lamang ako dahil pagkatapos niyang ibigay sakin ang mga iyon ay kaagad din niya akong tinalikuran. "T-teka!" Hindi niya man lang ako nilingon. Ang sungit naman. Mukhang lahat yata ng nakapaligid sakin, lahat sila masusungit. Hays! Paano ko naman ito dadalhin sa office ni Damon nang hindi niya nakikita? Anong gagawin ko? Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko itatago ito kay Damon. Hindi naman siguro masama di ba? Natapunan ko siya ng kape kaya ito ako ang maglalaba. Wala naman sigurong masama doon di ba? Ang problema anong sasabihin ko kay Damon? Baka pag-is