"Miss, kukunin mo ba o hindi?" Napakurap-kurap ako nang muling magsalita si Damon. May halong inis sa boses nito. Kanina pa kasi naka-hang ang kamay niya sa ere. "Ahm!" iyon lamang ang lumabas sa bibig ko bago ko sinubukan na kunin ang panyo sa kamay niya. Sinubukan kong hugutin ngunit hindi ko makuha dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa aking mukha. "Damon..." Nabitawan ko kaagad ang panyo kaya nahulog ito sa sahig. Tsaka pa lang din binitawan ni Damon ng dumating na si Starlet. Napayuko na lamang ako. "What is going on here?" Nagtaas ako ng tingin para tingnan si Starlet. Magsalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Wait—ikaw yung nakakainis na babae kanina." mas lalong nagsalubo