Star's POV Mukhang walang balak na bitawan ni Damon ang kamay ko kahit na sinusuri na ako ng doctor. Napatitig ako sa doctor ng bigla nitong hawiin ang buhok ko. "Do you really need to do that?" Napatingin kaagad ako kay Damon ng bigla niyang tanungin si Dr. Elvis. Kunot na kunot ang noo nitong nakatingin sa gwapong doctor. "What do you mean, Mr. Arkanghel?" binalingan ni Dr. Elvis si Damon. "Do you really need to touch my wife's hair? Ang alam ko titingnan mo lang kung anong sakit niya." Biglang natawa si Dr. Elvis. Pinipigilan ang mga tawa nito kaya nagawa pa nitong magtakip ng bibig habang pinipigilan ang paglakas ng tawa. Napailing pa nga ito. "You know what, I can't focus because you're here, Mr. Arcanghel." nasapo ni Doc ang kaniyang noo. "Puwede bang lumabas ka na muna a