Starlet's POV "Uuwi na ho ba tayo, ma'am?" tanong ng driver ng van na sinasakyan ko ngayon. "Yes." tipid na sagot ko. Obvious ba? Saan pa ba ako pupunta? Ang tanga naman. "Akala ko ho ay dadaan kayo sa bahay niyo, ma'am?" Kaagad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Si Star 'yon hindi ako. Ngayong ako ang kasama niyo hinding-hindi ako dadaan sa bahay kung saan meron akong pangit na alaala. "Hindi na. Nagbago na isip ko. Diretso na tayo sa Manila. Gusto ko ng makita ang asawa ko." masungit na sagot ko dito. "S-sige ho, ma'am." Ang daming tanong. Nakakairita! Ang hirap pala maging si Star. Ayaw ko pa naman maging bait-baitan. Hindi ko keri duh! Para hindi mabagot sa byahe ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Matutulog muna ako at baka paggising ko nasa tapat na ako