Star's POV "Hindi ka pa daw kumakain." Hindi ko narinig ang mga foot steps papalapit ni Damon sakin. Hindi ko rin narinig ang pagbukas nito sa pintuan. Nakahiga ako at nakatagilid. Gumalaw ako para tumihaya at para makita siya. "Nakauwi ka na pala." Umupo siya sa kama. Dito sa tabi ko kaya naman umuyog ang kama. "Dinala ko na ang pagkain mo. Kumain ka na." anito. Hindi pa nga ako kumakain. Wala kasi akong ganang kumain. Simula ng masaksihan ko ang pagpapakamatay ni Starlet. Hindi na 'yon maalis sa isip ko. Ilang araw na rin naman ang nakalipas pagkatapos ng nangyari. "Wala akong gana." "You need to eat." Nakita ko sa mga mata ni Damon ang pag-aalala. "Sorry, nadadamay si baby sa ginagawa ko. Wala lang talaga akong gana." Tumayo si Damon at kinuha ang pagkain na inilapag