Evelyn's POV Dahan-dahan akong umalis sa couch kinaumagahan. Ang sakit ng pagitan ng aking mga hita. Halos hindi ako makalakad dahil sa hapdi na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, punit na punit ang perlas ko, sa laki ni Daxon. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya alam kong naroon si Daxon naliligo. Pagkatapos nang nangyari kagabi, bigla na lamang akong iniwan ni Daxon sa couch. Nagtungo siya sa kama at humiga. Kaagad rin nga nakatulog. Habang ako, hindi na ulit nakatulog pagkatapos ng nangyari. Panay ang hikbi ko dahil sa sakit. Wala man lang siyang pakialam sa sakit na naramdaman ko. Wala man lang akong nakitang pag-aalala sa kaniyang mukha. Iniwan niya nga lang ako na walang salitang binitawan. Hindi niya man lang tinanong kung okay lang ako. Panay ang hikbi ko sa couc