Star's POV "Manang..." Nadatnan ko sa kusina si manang. Abala sa paglilinis. Napalingon siya sakin. "Senyorita, ikaw pala." tumigil siya sa ginagawa niya para harapin ako. Nakakahiya sa kanila na tawagin pa nila ako ganoon ngayong alam naman nila na hindi ako si Starlet. "Huwag niyo na ho ako tawaging senyorita." "Bakit naman?" "Hindi naman po kasi ako si Starlet." "Para sa amin mas gusto ka namin tawagin na senyorita kaysa kay Starlet. Kaya pala biglang bumait si Starlet. Akala ko talaga totoong bumait na siya. Ibang tao pala ang kaharap namin." nakangiting sabi ni manang sakin. "Pasensya na ho. Kung hindi lang talaga dahil sa lola ko hindi ko tatanggapin ang alok ni Starlet sakin." "Naiintindihan kita." hinawakan niya ang kamay ko. "Mas gusto ka namin kaysa sa totoong sen