Third POV "Bakit tumatawa ka diyan mag-isa?" takang-taka na tanong ni Grey nang makitang tumatawa mag-isa si Starlet habang paminsan-minsan naman ay humihithit ito ng sigarilyo. Ngayon lang ulit dumalaw si Starlet sa condo niya pagkatapos niyang puntahan si Star sa bahay ng asawa ni Starlet. "You just don't know how happy I am right now, Grey." kakaiba ang ngiti ni Starlet pagkatapos nitong umihip ng usok mula sa sigarilyo. "Hay naku! Alam ko na kung bakit? Dahil ba ito kay Star? Hanggang kailan ba matatapos ang paghihiganti mo sa kapatid mo?" "Until gumapang siya sa sakit. I'm sure sa mga oras na ito hirap na hirap na ang babaeng 'yon. Ganito pala kapag may pera ka. Lahat ng gusto mo magagawa mo. Kaya mong paikutin ang tao gamit ang pera mo." "Kaloka ka. Hindi ka ba naawa sa ba