Chapter 37 Ilang minuto palang naroon sa night party si Yumi ay para bang gusto na niyang bumalik sa hotel. Kung hindi lang siya nahihiya kay Yoshi at Happy ay hindi niya titiisin ang ingay at masakit sa mga matang ilaw sa bar na iyon Tumatanda na nga siguro siya? Hindi na kasi siya nag-eenjoy sa night life. Kahit ang lahat halos ng mga tao na naroon ay nag-sasayawan at masayang nag-iinuman. Unli-drinks kasi at unli-food rin ang gabing iyon. Iba talaga mag-paparty ang mayayaman para bang nagtatapon lang ng pera kada may okasyon "Ate yumi okay ka lang ba dito?" Nilapitan siya ni Happy at Yoshi nang mapansin ng mga ito na nakaupo lang siya sa isa sa mga upuan sa bandang dulo "Sumayaw ka Yumi. Para di ka nirarayuma" Biro pa sakanya ni Yoshi. "Ayos lang ako rito Happy. Huwag niyo akong i