Chapter 42 Araw ng kasal ni Yoshi at Happy. Naroon na sila sa loob ng simbahan at halos lahat ng taong naroon ay may ngiti sa mga labi maliban lamang kay Terence. Ilang araw niya itong hindi nakita. Hindi na rin ito nagtext sakanya simula noong nasa hospital siya habang nagbabantay kay Koji Aaminin niyang nakaramdam siya ng kalungkutan. Namiss niya ito sa ilang araw na hindi niya ito nakita. Hindi na ito umattend ng last rehersal nila sa simbahan noong isang araw. Inaasahan pa naman ni Yumi na magkikita sila noong araw na iyon ngunit hindi nangyari. Nais sana niyang sulitin ang ilang araw na naroon siya sa Pilipinas. Kahit panay kirot at hapdi lang sa kanyang puso ang hatid ni Terence sakanya ay mas gugustuhin niya parin nakikita ito Napabuntong hininga siya "Ang lalim nun be?" Bulo