Chapter 59 Napakagat labi si Isabel nang unti unti dampian ng halik ni Terence ang balikat niya. Nakatagilid siya ng pahiga habang nakayakap ang isang kamay nito sa kanyang bewang. Nasa likuran niya ito habang hinahalik halikan nito ang kanyang balikat Napapalunok siya at tila lalo pang kumukulo ang kanyang dugo. Nag-iinit ang kanyang katawan. Pakiramdam ni Isabel ay nilalagnat siya kahit hindi naman masama ang pakiramdam niya "Are you sleeping?" Mahinang bulong ni Terence sa kanyang tenga at pagkatapos ay marahan nitong kinagat ang tenga niya Napaungol siya. Hindi niya napigilan kumawala ang isang ungol sa kanyang bibig. Nakiliti kasi siya sa pagkagat nito sa kanyang tenga. Isang masarap na kiliti na dumaloy hangang sa puson niya Hinapit niyo ang kanyang bewang papalapit pa ng hus