Chapter 61 "Nasaan po si Terence?" Magalang na tanong ni Isabel sa isa sa mga kasambahay ng mansyon. Napatingin ito sakanya at sa hawak niyang first aid kit box. Bahagyang tumaas ng kaunti ang kilay ng matandang kasambahay "Naroon si Seniorito sa isang guest room. Huwag kang mag-alala ginagamot na ni Greta ang mga kalmot sa braso niya" Napakunot agad ang kanyang nuo. "B-Bakit ho si Greta ang gumagawa noon? Wala naman ho siyang karapatan--" Itinaas ng matandang katulong ang isang kamay nito upang putulin ang pagsasalita niya. "Nursing student si Greta. Pinag-aaral siya ng pamilya ni Seniorito. Napansin ko kasi kanina na mayroong kalmot ang braso ni Seniorito. Hindi ko alam na mayroon ka palang tinatagong karahasan. Sa susunod pigilan mo sana iyang pagiging asal kalye mo." Napanga