Chapter 17 Mugto ang mga mata ni Yumi nang gumising siya kaya naman maaga palamang ay naligo na agad siya upang ayusin ang kanyang sarili at makapaglagay ng concealer sa ilalim ng kanyang mga mata Ayaw niyang pag-alalahanin ang kanyang ate Fiona kung makikita nitong namumugto ang kanyang mga mata Lumabas siya ng kanyang kwarto pagkatapos niyang maligo, magsipilyo, at mag-bihis. Balak niyang mamasyal ngayon upang hindi niya isipin ang lalakeng dahilan ng kanyang magdamag na pag-iyak. Balak niya rin makipagkita sa mga old-friends niya. "O-Anyare sayo?" Napahinto si Yumi sa pagbaba sa hagdanan nang makasalubong niya ang kanyang ate Fiona. Paakyat naman ito sa hagdanan nila "A-Ate" "Bakit namamaga yang mga mata mo?" Kunot nuong tanong ng ate Fiona niya. Nagtataka ito kung bakit namum