Ang Classmate Kong Siga AiTenshi Chapter 21 “Mga Bagong Araw” Wala na akong nagawa kundi panoorin ang eroplanong sinasakyan ni Gerald patungong Amerika. Habang ito ay unti unting nawawala sa aking paningin at siya naman unti unting pag patak ng aking luha. Sa tuwing sumasagi sa isip ko na matatagalan pa bago umuwi si Gerald ay parang hindi ko kakayanin. Umuwi kami sa bahay na ang ating hawak ko lang ay ang bag na iniwan sa sakin ni Gerald. Agad akong pumasok sa kwarto at doon ay umiyak ako ng umiyak hanggang wala na akong luhang mailabas pa. May narinig ako kumatok sa aking pinto. Si mama pala iyon kaya agad ko itong binuksan, mahahalata mo sa aking mga mata ang labis na pag luha dahil halos sumingkit na ang aking mga mata sa sobrang pag iyak. Mahigpit akong niyakap ni mama "Ana