Ang Classmate Kong Siga AiTenshi Chapter 19 “Isang Basong Luha” Hindi maaring wala na si Gerald!!! Ayoko hindi ko kaya!!! Hindi ko na pigilan ang aking sarili. Halos sumigaw ako ng malakas sa emergency room. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mag wala dahil sa matinding emosyon. "GERRRALLDD!!!"bakit mo ko iniwan? Hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala ka." Agad naman akong inakap nila mama at papa. Nang may marinig akong nagagalit na pasyente dahil sa pag iyak ko at pag sigaw. Pero hindi ko sila pinansin. Tuloy pa rin ako sa pag iyak sa pag dadalamhati na wala na ang pinaka mamahal kong tao. "Eyyyyy ang ingay mo!!! Natutulog ako!!" ang sigaw ng isang tao sa E.R. Humarap ako sa kanya ay sumagot. "Anong paki mo!! Sana ikaw nalang ang namatay! Hindi mo alam yung sakit na narar