Chapter 7

1795 Words
Ang Classmate kong Siga AiTenshi Chapter 7 Halos tumigil ang mundo ng biglang mag lapat ang aming mga labi. Ngunit nag patay malisya nalang ako. Ganun din si Gerald na nag panic upang tingnan ang sugat sa aking likod "Shiitt bumuka pala ito!" ang bulong ni Gerald habang sinusuri ang pinsala sa aking likod. Matagal akong naka dapa upang hindi agad maalis ang ointment. Halos mag aalas 10 na ng marinig kong bumukas na ang gate. "Baka si mama na iyon" ang sabi ko sabay balikwas sa kama. "Teka teka.. bata ba? Pag narinig na dumating ang parents ay biglang sasalubong? Huwag ka muna bumangon! Baka mag dugo ulit ang sugat mo." ang wika ni Gerald sabay hila sa akin pabalik. "No.. ayos na ko." ang tugon ko, agad rin akong bumangon at ngumiti habang palabas ako ng kwarto para salubungin sila mama. Nagulat nalang ako nang bigla nya akong hawakan at alalayan pababa ng hagdan. Nakita ko agad sina mama at mama na parating. Agad naman akong napansin ng mga ito at nag taka kung bakit may lalaki akong kasama sa bahay. Wala naman akong choice kundi ang ipakilala si Gerald. "Ma, Pa, Si Gerald po pala kaibigan ko sa campus. Siya ay isang class officer, sergeant at arms, taga maintain ng kaayusan sa buong paaralan. Makatao po siya, maka kalikasan, Maka Diyos at Makabansa." ang sabi ko habang naka ngiti. Si Gerald naman ay napangiwi nalang. Nagulat naman ako kay Gerald at bigla naman lumapit at nag mano ito kay papa at humalik kay mama. "Aba.. magalang ang mokong!!" sigaw ko sa aking sarili na parang naka kita pa ako ng "halo" sa ulo ni Gerald habang nag bibigay galang sa aking mga magulang. "Nakakatuwa naman itong kaibigan mo anak, naka bait at napaka galang nya, totoo ba na ikaw taga maintain ng kaayusan sa campus? Wow! Delikadong work iyan dahil maeexpose ka sa mga pasaway na student katulad nalang noong nakaaway ng anak ko sa kanal. Napaka walang modo talaga ng batang iyon kung sino man siya. Anyway totoo bang maka kalikasan ka? Thats good, alam mo sa company namin ay isinusulong namin ang greenday program, i think it will be great kung sasali kayo ni Lee." ang wika ni mama habang naka ngiti. "Napaka gwapong bata nitong si Gerald right." Nakita ko naman si Gerald na naka ngising aso. Animo nag papanggap na napaka buti nyang tao. Kumindat pa ito sa akin saka nag flying kiss. "Kung alam nyo lang mommy, siya ang dahilan ng pag kasira ng mukha ko!" ang sabi ko sa sarili ko. "Mabuti pa iho ay sabayan mo kami sa pag kain para naman mag kawentuhan tayo," ang paanyaya ni papa. "Alam mo bihira ang nag pupuntang kaibigan dito ng aming anak. Ayoko rin siyang tumatanggap ng bisitang babae dito dahil baka mabuntis pa niya ito." "Pa, wag ka naman mag kwento ng kung ano ano." "Bakit? Ayaw mong malaman ni Gerald na noong 17 years old ka ay nahuli kitang may kasex na babaeng bayaran sa room mo?" "Wow." ang nasabi ni Gerald "Hijo halika na dito at mag dinner tayo." pag yaya ni mama. "Ma, busog na siya. Uuwi na rin siya ngayon." tugon ko. "Anak, ano kaba, bisita siya at dapat maayos ang pakiktungo natin sa kanya. Halika na hijo" tugon ni mama. "Sige po" ang sabi ni Gerald sabay linggon sa akin "blehhhh" dumila pa ito bago mag punta ng kusina "Tsk! Bully talaga!!" ang bulong ko. Habang kumakain ay ininterview nila si Gerald tungkol sa mga bagay bagay. "Hijo, taga saan ka ba at paano mo naging kabigan itong si Lee?" ang tanong ni mommy "Ah eh taga Golden subdivision po ako, school mate ko po si Lee, at siya ang unang naging kakilala ko sa campus mag buhat nung nag transfer ako. Pinalipat po kasi ako ni Papa dahil malayo daw po new city dito" paliwanag ni Gerald habang naka ngiti "Hmm ano naman ang work ng mama at papa mo?" ang tanong naman ni papa. "Ang mama ko pa ay hindi ko na nakita simula ng mamulat ako sa dito sa mundo." wika niya na parang may kung anong kumirot sa puso ko, ngayon alam ko na kung bakit ganito ang ugali nya dahil kulang ang gumagabay sa kanya. Nakita ko rin ang pag bigla at pag lungkot nina mama at papa. "Ang papa ko ay congressman, siya po Noel Sanchez" ang pag papatuloy ni Gerald "Wow.. impressive! Ang sabi ni papa.Kamusta mo nalang ako kay Noel, dati ko siyang kaklase noong kolehiyo kami. Hindi ko akalain na tatakbo siyang congressman dahil uuto uto iyon dati. Hahaha" ang kwento ni daddy "Kaya naman pala halatang edukado at napaka galang nitong si Gerald" ang sabi naman ni mama "What?? Edukado?? Eh grabe nga mag cutting classes yan, at magalang daw oh." ang bulong ko. "Arekup!!!" tinapakan ni Gerald ang aking paa "Narinig ko yon!" ang bulong niya sa akin na parang nag babanta. Pero hinimas niya ang aking hita at saka ngumiti. Noong matapos ang hapunan (di naman hapunan yun eh. Midnight snack yun) ay agad na kaming pumanik ni Gerald upang mag pahinga. "Dyan kana sa kama.. dito nalang ako sa sofa matutulog" ang sabi ko "Tabi tayo" ang sabi nya sabay hatak sa akin pahiga. "Grabe ka. Napaka plastic mong tao!" ang sabi ko "Tado!! Totoong ginalang ko sina mama at papa. ang sabi nya. "Grabe ang sarap mag karoon ng kompletong pamilya. Iyan ang pangarap ko." "Ano?? Mommy at daddy?" anak kana din?" "Sabi nila sakin ay pwede ko silang tawaging ganun dahil hindi kompleto ang parents ko. Edi kung ayaw mo edi sige. Alam ko naman na ayaw mo akong maging masaya. Buti nga at binigyan kita ng chance maging kaibigan ako." ang sabi nya na may halong pag mamaktol. "Ako pa talaga?" tanong ko sabay hagis ng unan sa kanya. Pero ngumiti rin ako. "Matulog na tayo." At naka tulog kami pareho ng mag katalikod. Pero naka dapa ako.. masakit kasi ang likod ko. Gising pa rin ang diwa ko ng maramdaman kong humarap sa akin si Gerald at Kinumutan ako nito. Naramdaman ko ang pag patak ng tubig sa aking batok. Sabay sabi nya ng "im sorry" nangangarag ang kanyang boses habang nag sasalita ito. Pero nag tulog tulugan ako kunwari ay hindi ko alam ang nangyari. Kinabukasan ay umalis na si Gerald upang pumasok sa campus upang ireport na nag papagaling ako. Nag punta rin doon si papa upang ipaliwanag ang nanyari. Agad naman pumayag ang campus na iexcuse ako. Natutuwa ako dahil kahit papaano may pinag bago na si Gerald kahit kaunti. Hindi masyadong magaspang ang ugali nya tulad dati. Katulad na set up ko sa buong maghapon ay walang pinag bago. Nakahiga lang ako at nanood ng tv. Kung minsan ay nag iinternet ako pamapatay ng oras ng biglang may mag doorbell. Agad akong tumayo. Si Gerald sigurado ito. At naka ramdam ako ng pagka excite. Habang binuksan ko ang gate ay nagulat ako. Ang presidente pala ng department namin sa campus ang dumalaw sakin si Jet. Matangkad si jet at maganda rin ang pangagatawan. Isa siya sa mga public figure sa aming campus, di mapagkaka ilang isa siya sa mga head turner sa loob at labas ng paaralan.Mas matangkad si Jet sa akin halos nasa 5'11 ang height nya. "Tol kumusta?" ang tanong nya habang may dala itong isang kumpol na bulaklak "Wow..may pa bulaklak si Mayor. Salamat naman at naisipan mo kong bisitahin. Okay na ako." "Oo naman, nag aalala kasi ang mga classmate mo sa iyo at pati syempre ang mga kadepartment natin nuong mabalitaan namin na nabugbug ka daw noong nakaraang linggo." Ang sabi nya "Namimiss ko na nga kayo" ang malungkot na sabi ko "Ayos lang iyon, ang mahalaga ay mag pagaling ka ha." Ang sabi nya Nasa ganoong pag uusap kami ng biglang huminto ang isang sasakyan sa aming gate. Kilala ko ang sasakyan na iyon, kompirmadong kay Gerald ito.At ilang minuto pa ay pumarada ito at bumaba si mokong. "Hindi nga ako nag kamali si Mr. Bully yun!" bulong ko sa aking sarili Dali daling pumasok siyang sa sala kung saan kami ay nag uusap ni Jet. "Aww may bisita ka pala.?" Ang sabi ni Gerald na halatang nagulat ito. "Gerald si Jet nga pala yung president natin sa department" ang pakilala ko. "Yahh i know!" ang sabi nya sabi irap sa akin. Bumalik ito sa kotse nya at umalis. "Ano naman kaya ang problema ng hudas na yun. Biglang umalis.." ang tanong ko sa sarili. "Lee, paano ba ito? Mauna na ako, may meeting pa kami sa office" ang sabi Jet "Sige, salamat sa pag dalawa." ang wika ko at niyakap nya ako bago siya umalis. Maya maya pa tumunog ang cellphone ko. May nag text FROM: GERALD THE MONKEY (eto yung name nya sa phone book ko, pero hindi nya alam to) "Bakit nandyan yang mokong na iyan?" Yun lang ang text nya at hindi na ito nag message pa skin. Hindi ko alam kung anong drama nya. At lalong hindi ko maunawaan kung bakit para siyang sira ulong naka singhot ng katol. KINAGABIHAN.. Umuwi sa bahay si Gerald na lasing na lasing at may bahid ng dugo ang kanyang suot na dami. Nakita ko rin na may latay at pasa ang kanya mukha. "Shiit!! Ano ba nangyari sayo?"ang tanong ko agad habang sinasalubong siya "Wala kang paki!" ang sabi nya habang gumegewang sa pag lalakad. "Anong walang paki? Nandito ka sa bahay ko kaya umayos ka!!" sabay alalay sa kanya papunta sa kwarto "Ano bang nangyari sayo?" ang nag aalala kong tanong. "Nakipag away kana naman hano? Bakit parati mong ginagawa ito? Nag eenjoy kaba talaga na nasasaktan ka? Masukista ka ba ha?" "Ano bang paki alam mo ha?" ang sabi nya sabay irap sakin "Sige tama yang ginagawa mo!! Basagulero ka talaga!!" ang sigaw ko habang inaalis ang damit nya at pinaaplitan siya ng short. Hiniga ko siya at kumuha ako ng yelo para ilagay ito sa mga pasa niya sa mukha.. "Tangnnanngg yan!!" ang narinig kong pag mumura nya na parang may kaaway pa rin "Ssshhhhh,, tama na nga Gerald" ang iritableng tugon ko habang dinadampian ko ng yello ang kanyang  mga pasa nang magising ito. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero naawa ako sa kanya.. Halos naramdaman nya ng pumapatak yung luha ko habang pinupunasan ko siya. Kinagulat niya iyon "Bakit ka umiiyak ha? "Wala ito" ang sabi ko naman "Bakit nga?" ang pangungulit nya "Wala nga kasi!! Ok lng ako" "Tangna naman oh!! Iiyak iyak ka  ng walang dahilan?" "Mayroon" "Ano?" "Dahil naawa ako sayo!!! Nasasaktan ako pag sinasaktan mo yung sarili mo!! Kung di mo kayang mahalin yung sarili mo hayaan mo naman na alagaan kita! hindi ako bakla!!! Pero kahit ano isipin mo ayos lang yon!! Bastat bigyan mo ko ng chance na baguhin ka!!" ang sigaw ko sa kanya habang umiiyak ako. Natulala siya sa narinig nya.. at inakap ako nito.. pag katapos ay bumalik ako para punasan ang mga sugat nya sa mukha. Habang ginagawa ko ito ay unti unti nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin at nag dikit ang aming mga labi. At iyon ang simula ng pag babago sa aming samahan.. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD