Chapter 13
3rd Person's POV
Lumapit ang coach sa bintana. Nakitang walang tao doon. Sinara iyon ng ginang at tiningnan si Desiree.
"Ayusin mo ang sarili mo Desiree. Kailangan ka namin sa game," ani ng coach. Tumango lang si Desiree. Maya-maya umalis na ang coach matapos siya sabihin na excuse siya sa practice ng tatlong araw. Magpahinga ito at magpagaling.
Nagpasundo ng maaga si Desiree kay Adonis. Wala siyang ganang mag-attend pa ng klase.
Pag-uwi niya nasa sala sina Phinea ngunit umalis din ang mga ito at pumasok sa kusina. Napayuko si Desiree ng bahagya ngunit hindi ang mga ito umimik.
Dumiretso ang babae sa room niya at dumapa sa kama. Nadali ang paa niya ngunit kahit mag-react ay hindi niya nagawa.
Masyadong magulo ang isip niya at isa pa— sobrang bigat din ng pakiramdam niya dahil wala sa kaniyang pumapansin sa bahay na iyon.
Niyakap ni Desiree ang unan at sinubsob ang sarili doon. Naalala niya kapag may injury siya tatanungin siya ng mga ate niya kung anong nangyari then maya-maya papasok ang daddy niya para aluin siya kasunod ang mommy niya na may mga dalang first aid kit at may bonus pa na sermon.
Kung mababawi lang niya lahat ng sinabi niya. Masyado lang siyang frustrated dahil before ang araw na iyon pinagagalitan siya ng mom niya dahil kung saan saan ito pumupunta at gabi umuuwi.
Then nagtanong na ito about kina Loki. Wala naman siya maisagot na matino kasi hindi niya naman alam kung boyfriend niya sina Loki o kung fuckbuddies lang niya ang mga ito.
Imposible naman kasi na pumayag ang mga ito na maging boyfriend niya like tatlo sila. Naalala niya ang first boyfriend niya isa pa wala pa siyang naipapakilala sa parents niya na lalaki.
Hindi halata pero hirap si Desiree mag-handle ng mga pressure at mga komplikado na bagay. Kapag may problema o naiinis siya dinadaan niya sa paninira, pananakit at pag-iwas imbis solusyunan iyon.
Masyadong napagod si Desiree kaya naman agad siya nahila ng antok. Maya-maya dahan-dahan bumukas ang pinto. Pumasok sina Phinea at sina Lucky.
Naglakad sila palapit sa kama. Naglabas ang mga ito ng pentelpen at ngumisi.
—
Malalim na ang gabi noong nagising si Desiree. As usual walang gumising sa kaniya para ayain siya kumain. Mukhang this time galit na talaga sa kaniya ang buong pamilya niya. Pilit siyang bumangon at hinawakan ang ulo.
Napatigil si Desiree matapos makita ang sarili sa full size mirror na nasa gilid ng kama niya.
"Aahhhh!"
Sinulatan lang naman ang mukha niya. Napatigil siya at napatingin sa paa niya kung saan may benda. May mga drawing din doon at mga sulat.
Bitch, stupid, idiot. Naiinis siya matapos makita iyon. Sigurado kasi siya na mga ate niya ang may gawa. Hanggang sa may napansin pa siyang maliliit na letra.
Take care and get well soon. Naalala niya na kapag may mga injury sila magkakapatid sinusulatan nila iyon ng pentelpen.
Pumasok ang mga kapatid niya sa room niya. Napatingin si Desiree sa table na na nasa gilid ng kama niya doon may nakita siyang tray na may mga pagkain. Bigla siyang tinamaan ng konsensya— paano niya nasabi iyon sa mga kapatid at mommy niya. Kung tutuusin maswerte siya dahil may tatlo siyang mommy tapos kung wala ang isa sa mga mommy niya wala siyang iba pang kapatid. Walang ate Phinea at wala sina Lucky.
Imbis kainin iyon ay dinala niya iyon at bumaba. Nakita niya sina Phinea sa sala. Nagtatawanan ang mga ito matapos makita ang tiyura niya.
Napatigil naman sina Paris na nasa kusina matapos makita ang tiyura niya.
"Desiree! Anong nangyari sa mukha mo at sa paa mo?" tanong ng ginang at lumapit kay Desiree. Binaba ni Desiree ang tray hanggang sa lumapit ito kay Jackson at yumakap. Humihikbi si Desiree na nagsabi ng sorry.
"Mali ka yata ng niyakap," ani ni Jackson. Kinuskos ni Desiree ang pisngi niya sa damit ni Jackson na niyakap naman siya.
"Daddy, nakipunas lang talaga ako ng mukha," ani ni Desiree. Napa-pokerface si Desiree. Tumawa si Desiree at niyakap ng mahigpit ang daddy niya.
"Love— love kita daddy, " ani ni Desiree. Sumalubong ang kilay nina Dahlia at hinila si Desiree palayo.
"Ikaw na bata ka—"
Napatigil sina Paris matapos sila yakapin din ni Desiree at nag-sorry. Sinabi ni Desiree na frustrated lang siya, pagod at maraming iniisip.
"I'm kinda stressed about my studies," ani ni Desiree. Napabuga ng hangin si Paris at ginulo ang buhok ni Desiree.
"Ayusin mo muna mukha mo. Mukha kang multo," ani ni Paris. Natawa si Desiree at sinabing sina Phinea may gawa 'non sa mukha niya.
Saktong nandoon si Jasper at nakatingin sa kakambal niya. Naglinis nga muna siya ng katawan then pinalitan ng benda ang ankle niya para hindi nagagalawa.
Bumaba na si Desiree at nakita niya na nandoon ang lahat sa sala. Ang maganda sa pamilya niya kapag may problema ang isa lahat handa makinig at damayan siya.
Ngayon nangongonsensya siya dahil sa mga salitang binitawan niya kahapon. Umupo si Desiree sa pang-isahan na sofa.
"Ayusin mo page-explain mo kung ayaw mong kalbuhin kita," ani ni Jasper. Natawa si Ceres at sinabing kumalma lang si Jasper.
"Gusto ko lang mag-sorry sa mga nasabi ko. It's just hindi lang siguro ako sanay na napapansin ako nina mommy o nasisita like hindi naman ako si Jasper," panimula ni Desiree. Napatigil sina Paris.
Sinabi ni Desiree iyong about sa kanila nina Loki siyempre wala siyang mga tinago kasi alam niya naman na hindi sarado ang utak ng parents niya about sa s*x and something.
"Sabagay pogi naman talaga iyong mga guy na iyon. By the way ang galing mo pumili sis," ani ni Phoebe at nag-thumbs up pa.
"Ate!" ani ni Jasper. Napangiwi si Phoebe at naibaba ang kamay. Hindi maganda ang timpla ng mukha ni Jasper.
"Jasper," ani ni Desiree. Sa lahat ng nandoon ang daddy niya at si Jasper lang ang hindi maganda ang timpla ng mukha.
"Anong balak mo kina Loki ngayon? Desiree, honestly hindi ako papayag na hindi mo i-take ang responsibility sa lahat ng ginawa mo. Kailangan mo pakasalan sina Loki," ani ni Jackson. Napatigil si Jackson matapos may ma-realize.
"Dad, babae si Desiree. Napanood ko sa t.v sa lalaki dapat sinasabi iyan hindi sa babae," bulong ni Jasper. Napatingin si Jackson. Napangiwi sina Paris.
"Dapat ba kina Loki ko sinabi iyon?" tanong ni Jackson. Sinabi ni Fider na si Desiree ang ayaw ng commitment.
"Boys! Wait!" ani ni Paige at tinaas ang kamay. Sinabi ni Paige na hindi sina Jackson ang dapat magpasya doon— kasal na ang usapan at isa pa hindi buntis si Desiree.
"Kailangan lang ni Desiree tigilan ang mga kalokohan niya at ayusin ang sarili niya. Hindi niya need makipag-relasyon sa mga lalaking iyon kung hindi niya gusto iyon. Kahit pa gwapo nga iyon, nag-uumapaw sa s*x appeal at mukhang yummy," ani ni Paige. Napatingin si Paris at binatukan si Paige.
Humirit pa kasi about sa gwapo thigy eh. Alam niya na tuloy kung kanino sila mga nagmana ng mga kapatid niya.