Chapter 33 3rd Person's POV "Walang basehan ang balita na iyon about sa dalawang tagapagmana ng mga Lucero. Hindi ko din sigurado," ani ni Paris. Maya-maya may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at napatigil si Desiree matapos makita si River. "Desiree, nandito ka pala," ani ni River at lumapit sa table. May nilapag itong envelop. Nasa office ni Paris si Desiree— pumunta talaga doon ang babae para magtanong since close nga ito sa mag-asawang Lucero. "Tinatanong ni Desiree kung nasaan sina Loki," balewalang sambit ni Paris. Napatigil si River at napasapo sa noo. "Nasa bahay sila. Hindi maganda ang kondisyon nila," ani ni River. Doon napansin ni Desiree ang dark circle sa ilalim ng mga mata ng lalaki. "Pwede ko ba sila makita?" tanong ni Desiree. Tiningnan ni River si Desiree. — "Na