Chapter 35 3rd Person's POV "Alam mo kung nasaan ang parents ni Leah? River, ano pang tinatago mo sa akin?" tanong ni Jayson na salubong ang kilay habang nakatingin kay River na kaharap sina Loki at tinatanong kamusta pakiramdam ng mga ito. Pinaaalis ni River ang mga tao sa living room. Sinapo ni River ang noo at hinarap si Jayson. "Half sister ko si Leah at oo alam ko kung nasaan kayo. Alam ko din na ilang taon mo din ako hinanap at ang plano mo. Alam ko din na nakipagkasundo ka sa parents ni Leah. Kung ibibigay mo ang kompanya lahat ng ari-arian mo ay makaaalis ka at ang mga bata. Hindi tumupad ang usapan ang parents ni Leah at nalaman iyon ni Leah. Hinawakan ka niya sa leeg gamit ang mga bata. Alam ko lahat ng iyon," ani ni River. Nagbago ang expression ni River at niyukom ang kam