━━━ * SEAH POV * Pa punta ako ngayon sa mansion ng elites, gusto ko na kasi makipag ayos kay Akiro, para sa anak namin, na pag isip-isip ko kasi na hindi ko pala kaya ang wala sya sa tabi ko, lalo na at mag kakaroon na kami ng baby. Ayoko din naman na lumaking hindi buo ang pamilya ng baby ko, ayokong tuksuin sya ng mga ibang bata na walang tatay pag lumaki na sya. "*Tok tok tok.*" kumatok ako sa pinto nila nang makarating na ako sa tapat ng mansion, wala bang tao? bakit hindi nila binubuksan. Pinihit ko ang door knob nang dahan-dahan, sumilip muna ako nang mabuksan ko ito nang onti, pumasok ako nang wala akong makitang tao sa sala, nag lakad ako pa puntang hagdan para umakyat sana sa kwarto namin dati kaya lang na pa tigil ako nang may mapansin akong gumagalaw sa sofa, lumingon ak