~ Fast Forward: 3 Years ~ ━━━ * AKIRO POV * "Shin, ano? sama kana." eto na naman sya, ma ngungulit na naman. "Ayoko." "Ano ba naman Shin, minsan lang tayo lumabas ng academy, hindi ka pa sasama?? .. Mag kukulong ka na naman sa kwarto mo at aalalahanin ang mga mamasayang araw nyo ni Seah? .. maygad Shin!!! for 3 years ganyan lang ang ginagawa mo, sa tingin mo natutuwa si Seah sa mga ginagawa mo?" mahabang sermon sakin ni Yumi. Ngayon kasi ang City festival, kaya pwede kami lumabas ng school at mag gala. Hindi nalang ako nakipag talo sa kanya at sumama nalang sa kanila, hahaba na naman. Tatlong taon na ang nakalipas, ang dami ng nag bago sa mga kaibigan ko, ako? wala! ganon pa din, miss na miss ko na sya. Hanggang ngayon kasi umaasa padin ako na babalik sya at mag papakita